in

Gerald Anderson at JM de Guzman, pag-aagawan ang puso ni Yam Concepcion sa ‘Init Sa Magdamag’

Mag-aalab ang telebisyon gabi-gabi sa isang kwento ng agawan ng puso sa pinakaaabangan at bagong serye ng ABS-CBN Star Creatives na “Init Sa Magdamag,” na pinagbibidahan ng tatlo sa pinakamaiinit na bituin ngayon na sina Gerald Anderson, Yam Concepcion, at JM de Guzman at mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5 simula Abril 19 (Lunes).

Pinag-usapan sa social media at tumabo na ng higit 12 milyon views ang trailer nito sa YouTube sa loob ng 13 araw mula noong inupload ito.

Gaganap sina Yam at JM bilang sina Rita at Peterson, ang mag-asawang sinusubok ang relasyon dahil nahihirapan silang magka-anak. Nabaog si Peterson dahil sa isang aksidente na kinasangkutan ilang taon na ang nakalipas.

Naniniwala si Rita na may pag-asa pa na maisalba ang kanilang pagmamahalan kung susubukan nila ang in vitro fertilization. Labag man ito sa kagustuhan ng nga magulang ni Peterson at sa paniniwala ng kanilang baryo, makikipagsapalaran ang mag-asawa.

Ngunit para kay Peterson, mas madali ang kanyang naisip na solusyon—ang kunin si Tupe, isang doktor sa baryo, na ginagampanan ni Gerald Anderson, para maging sperm donor. Lingid sa kaalaman ni Peterson, dating magkasintahan sina Rita at Tupe.

Hanggang kalian itatago ni Rita ang kanilang naging relasyon ni Tupe? Ano ang mangyayari kapag mabuhay ang dating pagmamahalan nina Rita at Tupe?

Ang “Init Sa Magdamag” ay nasa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at ididirehe nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.

Panoorin ang pilot episode ng bagong serye mula sa Star Creatives simula Abril 17 sa iWantTFC app at TFC website, at sa WeTV iflix. Mapapanood naman ito simula Abril 19 sa TV5 at A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood rin ito sa Abril 19 sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment,at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rocco Nacino, mapapanuod na sa ‘Owe My Love’

‘I Can See You: #Future,’ trending ang pilot episode!