in

Edgar Allan Guzman, Best Supporting Actor sa 4th EDDYS

Wagi ang Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman as “Best Supporting Actor” sa 4th Entertainment Editors’ Choice (EDDYS) Awards for Movies ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap kagabi, April 4.

Pinarangalan si EA para sa kanyang pagganap bilang si Neb sa pelikulang Coming Home.

Ibinahagi ni EA na hindi niya inaasahan ang pagkilalang ito. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya.

“Oh, my God! Unexpected,” aniya sa kanyang speech. “Unang-una gusto kong magpasalamat kay Lord for the talent and the passion. ‘Yung every project na ibinibigay N’ya sa akin, andoon ‘yung passion at pagmamahal ko sa craft ko at hindi n’ya iniiwan bigla kundi binibigay N’ya. Thank you sa lahat ng bumubuo sa The EDDYs, sa SPEED, ito ang kauna-unahang award ko sa inyo and this means a lot to me.”

“Idini-dedicate ko po itong award ko sa aking family, kay Shaira [Diaz], sa lahat ng aking mga inspirasyon, sa mga sumusuporta, sa mga nagmamahal, sa GMA Network family, Artist Center, and ALV family, maraming salamat po,” dagdag pa ng Kapuso star.

Samantala, abangan si EA sa Heartful Café na malapit nang mapanood sa GTV at Agimat ng Agila sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Nawalan man ng trabaho, tubong Kalinga hinirang na bagong Kapamilya star

Just Love Kids, may pa-birthday shout-out para sa mga bata