in

‘Karelasyon,’ muling mapapanuod simula ngayong Lunes

Simula April 5, mapapanuod muli sa telebisyon ang award-winning at pinag-usapang drama anthology series na Karelasyon.

At kung dati ay isang beses lang ito sa isang linggo, ngayon ay araw-araw na itong mapapanuod dahil magiging bahagi ito ng GMA Afternoon Prime line-up.

Mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga, muling balikan ang mga tumatak na Karelasyon episodes na base sa karanasan ng mga magkarelasyong nagkaroon ng matinding hamon sa pagsasama.

Unang ipinalabas ang Karelasyon noong 2015 tampok si Carla Abellana. Bawat episode ay written and directed by acclaimed film writers and directors. Binigyang-buhay naman ang mga ito ng magagaling na Kapuso actor.

Tiyak na maraming matutuwa sa pagbabalik-telebisyon ng Karelasyon.  Isa ito sa mga top-rating shows ng GMA Public Affairs at ang mga video ng episodes nito na uploaded sa YouTube, libo-libo rin ang views.

Mapapanood na muli ang Karelasyon simula April 5, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Zanjoe Marudo, wanted ng mga pulis sa ‘Walang Hanggang Paalam’

Andrea Brillantes, gagaling sa pagkabulag dahil kay Bro sa ‘Huwag Kang Mangamba’