in

Best of the best all-star party, aarangakda na ngayong Easter Sunday sa ‘ASAP Natin ‘To’

Balikan ang best of the best world-class performances na handog ng mga paborito ninyong Kapamilya stars at ASAP idols sa isang espesyal na selebrasyon mula sa “ASAP Natin ‘To” ngayong Easter Sunday (Abril 4) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Ma-in love muli sa best kilig treat ng real-life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Abangan ang mga amazing dance performance na handog ng P-Pop sensations BGYO at BINI, trending stars na sina Joshua Garcia, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Charlie Dizon, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Jin Macapagal, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Lance Carr, Tan Rocal, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, Enchong Dee, at dance royalty Kim Chiu.

Maki-awit naman sa awesome kantahan nina Ogie Alcasid, Kyle Echarri, Darren Espanto, Sheena, Janine Berdin, Elha Nympha, Jona, Klarisse de Guzman, at Angeline Quinto. Hindi rin pahuhuli sa biritan sina Erik Santos, Nyoy Volante, Jed Madela, at Divine Diva Zsazsa Padilla para sa kanilang world-class musical number.

Tutukan muli ang iconic concert experience mula sa mga kinagigiliwang OPM artist na sina Moira dela Torre at Popstar Royalty Sarah Geronimo. At huwag ding palalampasin ang mga pasabog na collab nina Maymay Entrata at Mr. Pure Energy Gary Valenciano, KZ at Iñigo Pascual, Sarah at Bamboo, at Concert King Martin Nievera kasama ang Asia’s Songbird Regine Velasquez.

The best ang all-star Sunday party sa country’s longest-running musical variety show, “ASAP Natin ‘To,” 12 ng tanghali sa local TV, worldwide via TFC, at online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Magnilay sa Kumu, panoorin ang ‘Life, God and Mission’

‘Truly. Madly. Deadly.,’ trending sa Netflix Philippines!