Ngayong Sabado de Gloria (April 3), handog ng GMA Network ang mga pelikulang magbibigay ng inspirasyon sa mga manonood.
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2021/03/‘Cara-x-Jagger’-at-‘Because-I-Love-You’-mapapanood-sa-GMA-7.jpg)
Mapapanood ang ‘Cara x Jagger’ nina Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith pagsapit ng 12:00pm. Tunghayan ang kwento ng ex-lovers na sina Cara (Jasmine) at Jagger (Ruru) na muling magkakasama para tulungan si Jagger na maibalik ang kaniyang nawalang memorya dahil sa amnesia.
Susundan naman ito ng ‘Because I Love You’ tampok sina David Licauco at Shaira Diaz sa ganap na 1:30pm. Saksihan ang istorya nina Summer (Shaira), isang independent at street-smart na babaeng nagtatrabaho bilang bumbero, at Rael (David), isang tahimik at konserbatibong tagapagmana ng kanilang family business.
Abangan ang mga pelikulang ito ngayong Sabado (April 3) sa GMA-7.