Sari-saring palabas na kapupulutan ng aral at inspirasyon ang mapapanood ng mga Pilipino ngayong Semana Santa sa pangunguna ng bagong teleserye na “Huwag Kang Mangamba.”
Mapapanood ang programang pinagbibidahan ng Gold Squad at pinaguusapan dahil sa napapanahon nitong kwento ngayong Biyernes Santo (Abril 2) mula 6 pm hanggang 9 pm sa Kapamilya Channel.
Bago iyan, bukas (Abril 1) sa Kapamilya Channel, sari-saring pelikula ang mapapanood sa simula 2 am hanggang mag-sign off ng 12:30 am, kabilang ang “X-Men: First Class” ng 10 am, “Samson” ng 2 pm, “Four Sisters and a Wedding” ng 3:30 pm, “Hello, Love, Goodybe” ng 6 pm, at “The Bible Part 1” ng 8 pm. Ipapalabas din dito ang Celebration of the Lord’s Supper ng 5 pm.
Sa Biyernes Santo (Abril 2) naman, tuloy ang movie marathon simula 6 am pero dapat ding abangan ang mga programang espiritwal tulad ng “Seven Last Words” ng 12 nn, “Veneration of the Cross” ng 3 pm, “Papa Francisco: The Pope Francis Story” ng 4 pm bago ang “Huwag Kang Mangamba” ng 6 pm at “The Bible Part 2” ng 9 pm.
Sa Sabado de Gloria (Abril 3) ipapalabas ang The Bible Part 3” ng 7 pm at Easter Vigil Mass ng 10 pm, maging ang ilan pang sikat na pelikula simula 6 am, kabilang ang “Train to Busan” sa tanghali (12 nn), “The Mummy” ng 4:30 pm, at “My Sassy Girl 2” ng 11 pm.
Magbabalik naman sa regular programming ang Kapamilya Channel sa Linggo (Abril 4).
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.