in

Mikee Quintos, bitin sa moments nina Apple at Harvey?

Ngayong Miyerkules (March 31) na ang finale ng The Lost Recipe at katulad ng avid fans ng hit GTV series ay tila di rin agad-agad makaka move on ang cast nito.

Kung bibigyan nga raw ng chance, gusto pa raw ni Mikee Quintos na pahabain pa ang moments nina Apple at Harvey. Ito rin naman kasi ang hiling ng team MiKel or ang fans nina Mikee at Kelvin Miranda. Ang iba nga, humihirit na ng Book 2.

“Gusto ko mabigay sa fans na mas matagal naman ang happy moments nina Harvey at Apple. Kasi iba-iba ang timelines, so sana mas humaba pa.”

Kuwento pa ni Mikee, palagi niyang binabasa ang mga feedback ng viewers, pati na ang iba’t ibang theories sa posibleng maging twists mula sa exciting na storyline dahil na rin sa element ng time travel.  

Huwag palalampasin ang finale ng The Lost Recipe, 8:50 p.m. sa GTV at sa digital channel na Heart of Asia. Ngayong Holy Week, balikan naman ang mga favorite episode ng serye mula Holy Thursday hanggang Black Saturday pagkatapos ng 24 Oras simulcast sa GTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga pelikulang pang-pamilya, ‘MMK’ classics, mapapanood sa Jeepney TV ngayong Semana Santa

‘Ultimate Bida Star’ malalaman sa Final Act ngayong Marso 31