in

Tambalang Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix, inaabangan na ng fans!

Nakatakdang bumida sa second episode ng ikalawang season ng I Can See You na “#Future” ang Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix. Mapapanood na ito simula April 5 hanggang April 9.

Hindi pa man nagsisimula ang pagtatambalang mini-series, bumuhos na agad ang suporta at excitement mula sa fans ng dalawa matapos umabot ng 770k likes at 4.5k comments ang kanilang behind the scene photo sa GMA Drama Facebook page.

Bukod sa mga kinilig, marami ring fans ang nakapansin sa facial similarities nina Kyline at Miguel, “Sabi nila kapag hawig o kamukha mo ang isang tao s’ya daw magiging destiny mo. Baka sila na nga dalawa in the future.”

Komento pa ng isang fan, “Wow ngayon ko lang napansin magkamukha at bagay pala sila Kyline at Miguel baka sila magkatuluyang dalawa.”

Samantala, kasalukuyan namang napapanood ang first episode ng I Can See You na ‘On My Way To You’ tampok ang tambalan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz, weeknights, after First Yaya sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Darryl Yap hahataw ulit para sa ‘Kung Pwede Lang’

Arci Muñoz, inaresto si Paulo Avelino sa ‘Walang Hanggang Paalam’