in

Maki-Rock ‘n Roll Sa ‘ASAP Natin ‘To’

Maki-rock ‘n roll sa astig na performances na hatid sa inyo ng mga naglalakihang Kapamilya stars at ASAP idols kasama ang mga paborito ninyong OPM bands ngayong Linggo (Marso 28) sa “ASAP Natin ‘To” na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sali na sa jamming session ng mga maiinit na OPM bands at ASAP idols tulad ng This Band, Aegis kasama ang mga young biritera na sina Elha Nympha, Sheena, Janine Berdin, and Zephanie, The Juans kasabay ang singing heartthrob na si Iñigo Pascual, at Mayonnaise kasama sina Rangel Fernandez at Moira dela Torre.

Maki-hataw sa special dance tribute nina Joshua Garcia, Jeremy Glinoga, Joao Constancia, Jameson Blake, AC Bonifacio, Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Maymay Entrata, at dance royalty Kim Chiu para sa Pinoy rap legend na si Francis “Kiko” Magalona.

Isa pang tribute ang paparating dahil magsasama ang mga ASAP diva na sina Nina, Moira, Angeline Quinto, at Zsazsa Padilla para awitin ang mga tugtugin ng Pinay rakista na si Kitchie Nadal. Hindi naman pahuhuli ang dream collab nina Bamboo at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Abangan ang ultimate band hits tapatan ng ASAP icons na sina Regine, Zsazsa, Ogie Alcasid, Erik Santos, Martin Nievera, at Gary Valenciano sa “The Greatest Showdown.”

Maki-scream and shout sa astig na rakrakan party ngayong Linggo sa “ASAP Natin ‘To,” 12 ng tanghali sa local TV, worldwide via TFC, at online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘I Can See You: Love on the Balcony’ muling mapapanood sa Maundy Thursday

Jasmine Curtis-Smith, nakaranas ng wardrobe malfunction sa ‘General Admission’