in

Darryl Yap hahataw ulit para sa ‘Kung Pwede Lang’

Kingina! Real Talk lang!

Pagkatapos nang magkasunod na tagumpay ng kanyang dalawang pelikula, ang ‘PAGLAKI KO GUSTO KONG MAGING PORNSTAR’ at ‘TILILING’, hahataw ulit si Darryl Yap para na naman sa isang VIVAMAX ORIGINAL, ang “KUNG PWEDE LANG”. Ang bagong comedy series na ito ay pinagbibidahan nila Carlyn Ocampo, member ng international group na Z-Girls at si Rosanna Roces, fresh mula sa Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar.

Mula sa viral online rant series ng Vincentiments na likha din ni Darryl Yap at umabot na sa 320 million ang total views, ang “KUNG PWEDE LANG” ay tungkol sa pamilya Panting, isang pamilyang punong-puno ng buhay at punong-puno na rin sa buhay. Lalo na si Precious (Carlyn Ocampo), ang middle child, breadwinner at “Yes Girl” na masyadong mabait at hindi kayang tumanggi sa kahit anong hilingin sa kanya ng kanyang pamilya.

Pero hanggang kailan niya kayang magbigay at magtrabaho para sa kanyang pamilya? Hanggang kelan niya kukumbinsihin ang kanyang sarili na ok siya?

Ang pamilya ni Precious Panting ay sina Princess (Rosanna Roces), ang problemadong ina; si Paquito (Dennis Padilla), ang tatay na mahilig sa sabong; si Lola Baby (Dexter Doria), ang lolang mainitin ang ulo; si Prince (Bob Jbeili), ang panganay na walang trabaho; at si Penelope (Loren Mariñas), ang bunsong kapatid. Lahat sila may kanya-kanyang problema at iba’t-ibang hanash sa buhay tungkol sa trabaho, pera, jowa at sa buhay in general. Sa 8-episode series, malalaman natin ang mga hassle sa buhay ni Precious at ng buong pamilya Panting, na alam na alam natin at totoong makaka-relate tayo.

Ang online KPL shorts ay naging viral at talagang pinag-uusapan dahil madami ang nakaka-relate sa bawat kwento. At ngayon, sa full series ng “KUNG PWEDE LANG”, mas madaming karakter at mga sitwasyon na siguradong makaka-relate at matatawanan ang viewers.

Alamin kung sino ka sa pamilya Panting sa “KUNG PWEDE LANG”. Exclusive itong mapapanood sa VIVAMAX simula Abril 9.

Available ang VIVAMAX online sa web.vivamax.net, o i-download ang app sa Google Play Store. Watch all you can sa VIVAMAX, P149/month lang, at mabibili ang VIVAMAX vouchers sa Shopee at Lazada.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘I Heart Movies,’ may sorpresang dala para sa buong pamilya

Tambalang Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix, inaabangan na ng fans!