in

‘I Can See You: On My Way To You’ nina Ruru Madrid at Shaira Diaz, patok sa netizens!

Umani ng positive feedback mula sa netizens at viewers ang unang episode ng ikalawang season ng I Can See You na On My Way To You na nagsimula na nitong Lunes.

Tampok sa mini-series ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Gil Cuerva, Arra San Agustin, Ashley Rivera, Malou de Guzman, at Richard Yap. Kuwento ito ng isang viral runaway bride na makikilala ang isang lalaking tinakbuhan naman ng kanyang bride-to-be.

Aprubado sa netizens ang kakaiba at nakakaaliw na kwento ng series matapos magtrend sa twitter ang #ICSYOnMyWayToYou.

Ani ng isang Twitter user, “I love how GMA mastered the art of romcoms and light romantic series. #ICSYOnMyWayToYou.”

Subaybayan ang nakakakilig na tambalan nina Shaira at Ruru sa “On My Way to You”, 8:50 PM, sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Acel Bisa, handog ang bagong single na ‘Mula Ngayon’ sa mga magpapakasal

Kyline Alcantara, may aral na natutunan sa ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’