Emotional ang recent Instagram post ng International Stage Performer and Soul Diva na si Aicelle Santos patungkol sa kanyang lola.
Ibinahagi rito ni Aicelle kung gaano niya nami-miss ang kaniyang 93-anyos na lola sa probinsya, “Now, I only have my 93-year-old lola in the province. I haven’t seen her since Christmas of 2019. Pangarap kong mayakap siya, gayon din ang aking mga magulang at kapatid. Pero kailangan tiisin ang pangungulila upang maprotektahan lang sila. Haaay… COVID. Ingat tayong lahat. Kasama n’yo akong nagdarasal.”
Nanawagan din si Aicelle sa mga fans na ipagdasal ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa na patuloy na nakikipaglaban sa banta ng pandemya.
Samantala, napapanood si Aicelle sa GMA bilang judge sa singing competition for kids na ‘Centerstage.’ Isa rin siyang mainstay performer sa weekend variety program na ‘All-Out Sundays.’