Mga sikat na sikat na world-class performance mula sa mga naglalakihang Kapamilya star at global artists ang handog muli ng “ASAP Natin ‘To” ngayong Linggo (Marso 21) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Humanda na sa sorpresang dala ng inyong most-requested stars na sina Robi Domingo, Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Vivoree Esclito, Joao Constancia, Lance Carr, Tan Rocal, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Charlie Dizon, vocal trio iDolls, at Darren Espanto.
Pakatutukan ang awesome sayawan showdown nina AC Bonifacio, Jameson Blake, Enchong Dee, Joshua Garcia, Maymay Entrata, at ASAP dance royalty, Kim Chiu.
Bigating P-pop concert experience naman ang handog ng BGYO at MNL48 para ipagmalaki ang Pinoy pride sa mga manonood worldwide.
Magsasama naman ang mga tanyag na OPM artist para sa kanilang malupitang music collab, tulad ng kina Moira dela Torre at Iñigo Pascual.
Patuloy naman ang music jamming sa performance ng Himig 11th Edition interpreters na sina Janine Berdin, Sam Mangubat, and Juris bago ang inaabangan nitong grand finals night ngayong Linggo. May pa-birthday blowout din sa ASAP stage ang OPM rock icon na si Bamboo.
Abangan din ang pagsasanib-pwersa ng mga global music artist para sa isang world-class performance mula kina Asia’s Songbird, Regine Velasquez, international musical director na si Troy Laureta at American Idol Season 10 ninth placer, Pia Toscano.
At huwag magpapahuli sa inspiring treat ng cast ng inaabangang teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” kasama sina Nyoy Volante, Jed Madela, Janine Berdin, Zephanie, Jeremy Glinoga, Sheena, Elha Nympha, Angeline Quinto, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsazsa Padilla, Martin Nievera, at Gary Valenciano.
Paniguradong the best ang Sunday treat dahil sa mga sikat na performances na handog sa atin ng “ASAP Natin ‘To.” Nood na ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa TV, TFC, at online via Kapamilya Online Live at iWantTFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.