in

Patindi nang patindi ang laban sa ‘Centerstage!’

Mas nagiging kapana-panabik ang pasiklaban ng talento sa world-class singing competition for kids na ‘Centerstage.’

Itinanghal na bagong Defending Bida Kid noong Linggo ang contestant na si Kier Felipe mula sa Paombong, Bulacan matapos niyang talunin ang kapwa hopefuls na sina John Estrellado, ang young pianist mula Plaridel, Bulacan; Francis Indonto, ang cute na basketball player ng Cagayan de Oro; at Gelai Jimenez, ang batang online seller mula sa San Jose del Monte, Bulacan.

Nagsilbing alas ni Kier upang makarating sa Centerstage ang kaniyang bersyon ng “Bakit Ba Ikaw” ni Michael Pangilinan na talaga namang nagpabilib sa judges na sina Concert Queen Pops Fernandez, Kapuso vocal powerhouse Aicelle Santos, at renowned composer at musical director Mel Villena.

Ngayong Linggo, sasabak muli si Kier sa isang matinding pasiklaban laban sa mga panibagong contestants. Mananatili kaya siyang Defending Bida Kid? Tumutok sa ‘Centerstage’ tuwing 7:40 p.m., bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Panoorin ang espesyal na pagtatapos ng ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’; Simon Ibarra, nabaril ng mga pulis

Sikat na performances, handog ng ‘ASAP Natin ‘To’ ngayong Linggo