Minsan talaga kailangan mo lang magmuni-muni sa tabi ng dagat para mawala ang sakit at mahanap ang ‘the one.’
Kaya naman si Nep (Yasser Marta) ito ang ginawa. Ngunit sa kasamaang palad ay nagtangka siyang magpakalunod sa lungkot at sa karagatan. Buti na lang at niligtas siya ng sirenong si Lentis (Alex Diaz)! At dito na nga nagsimula ang kanilang pag-iibigan sa pinag-uusapang episode ng “My Fantastic Pag-ibig.” Balita pa namin ay natalo ng nasabing GTV show ang katapat nitong programa mula sa ibang network, ha! Ganyan kalakas ang chemisrty nina Nep at Lantis.
Pero love wins ba talaga kahit under the sea? Ang totoong katauhan ni Lantis, matatanggap kaya ni Nep?
Abangan ang katapusan ng kanilang kuwento ngayong Sabado sa My Fantastic Pag-ibig presents: Fairy Tail Romance, 7:45 p.m., sa GTV.