Malayo na ang narating ng The Lost Recipe star na si Kelvin Miranda. Mula sa roles niyang pang-raket noon, ngayon ay humahakot na siya ng awards.
Ilan sa mga awards niya ay Best Young Actor award sa 7th Urduja Heritage Film Awards para sa role niya sa Netflix film na Deadkids. Nanalo rin siya as Best Actor para sa nasabing pelikula mula sa same award giving body.
Recently ay pinarangalan din siya ng 4th Asia Pacific Luminare Awards bilang “Philippines’ Fast Emerging Actor of the Millenium.”
“Hindi ko tinitingnan na sobrang mahalaga ang recognition, pero naa-appreciate ko ‘yun. Sobrang saya ko, pero resulta lang naman ang recognition ng pagtatanim mo nang nakayuko. Kumbaga, pagpupursige, pagsusumikap sa bagay na gusto mong gawin,” ani Kelvin sa interview sa kanya ng GMANetwork.com.
Ginagampanan niya ngayon ang karakter ni Chef Harvey Napoleon sa trending romance-fantasy series ng GTV na The Lost Recipe. Sa lahat ng pinagdaanan niya, ang mapapayo ni Kelvin sa mga umaasam ng ganitong career ay sundin ang nilalaman ng puso, follow your heart!
Basahin ang buong interview kay Kelvin sa GMANetwork.com.