in

Pagtatapos ng ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,’ wagi na sa ratings, trending pa!

Sinubaybayan at talaga namang pinag-usapan ng viewers at netizens ang pagwawakas ng top-rating GMA primetime series na ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’ nitong Biyernes (March 12).

Bukod sa certified trending topic sa Twitter Philippines noong Biyernes ang official hashtag ng show na #WvBFinale, nakapagtala rin ang last episode ng 19.6% rating ayon sa NUTAM People Ratings.

Samantala, aprubado naman sa netizens ang naging ending ng kwento kung saan nagkabati na ang matalik na magkaibigang sina Amy (Snooky Serna) at Sussie (Dina Bonnevie) pati na rin ang half-sisters na sina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez). Kinakiligan din ng viewers ang naging proposal ni Cocoy (Migo Adecer) kay Ginalyn.

Ayon sa isang netizen, “Nice ending!! Lahat masaya. Pagmamahal, pagpapaubaya at pagpapatawad talaga ang susi sa masayang pagsasama. #WvBFinale.”

Hiling naman ng ilan ay magkaroon pa ng Book 2 o continuation ang serye, “Sobrang happy ako dahil ang ganda ng ending of course at the same time nabitin ako. Sana may continuation pa ang love story ni Ginalyn at Cocoy, Caitlyn at Benny. Mamimiss ko talaga ang #WarayVsBiday. Sana may Book 2 pa po.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovi Poe, kinilig sa magic abs ni Ben Alves?

SethDrea at KyCine, gagabayan ni Bro sa mga pagsubok ng buhay sa ‘Huwag Kang Mangamba’