in

Jessica Villarubin may payo sa tulad niyang may mga nararamdamang insecurities

Aminado ang ‘The Clash’ Season 3 champion na si Jessica Villarubin na may mga nararamdaman din siyang insecurities bilang isang babae.

Ngayong buwan ng Marso ay ipinagdiriwang ang Women’s Month kaya naman nais niyang maghatid ng magandang mensahe para sa mga kapwa babae, “Para sa akin po, hindi po talaga mawawala ‘yung insecurities natin pero it’s up to us kung paano natin haharapin ito. For me, confidence and self-love comes from within. Nasa inyo ‘yun eh. Whatever makes you happy, gawin mo. Gusto ko rin sana iparating sa kanila na it’s not always about the physical appearance, mas importante pa rin ‘yung nasa puso mo, kung sino ka.”

Samantala, nai-launch noong Linggo sa All-Out Sundays ang kauna-unahang single niya under GMA Music na ‘Ako Naman,’ na kinompose ng The Clash judge na si Christian Bautista. Available na ito sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital streaming platforms. Congratulations, Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sino kaya ang magwawaging ‘PBB Connect’ Big Winner sa Linggo?

Liofer Pinatacan ng Zamboanga Del Sur, tinanghal na ‘PBB Connect’ Big Winner