in

Kelvin Miranda, umamin na kay Mikee Quintos!

Tuluyan na ngang na-fall ang lahat nang sinabi ni Chef Harvey (Kelvin Miranda) kay Apple (Mikee Quintos) ang mga salitang “Gusto kita” sa GMA Public Affairs romance-fantasy series na The Lost Recipe.

Sino kaya ang pakikinggan ng puso ni Apple? Ano kaya ang sigaw ng mga manonood? Team Harvey o Team Frank?

Samantala, talaga rin namang naipakikita ng The Lost Recipe ang ganda ng Maynila. May ilang viewers pa na nag-reminisce ng kilig scenes ng paborito nilang love team na #MiKel.

Ayon sa mga social media post, bukod sa kuwento nina Chef Harvey at Apple, nakaabang din sila sa mga taping location ng serye lalo na kung saan ginanap ang iconic scenes nila. Ilan sa mga ito ay binisita na ng netizens at fans para ipakita ang kanilang suporta sa programa. Ayon sa kanila, mas napahanga sila sa ganda ng Maynila nang makita nila ang iba’t ibang makasaysayang mga lugar na napanood nila sa ‘The Lost Recipe.’

Patuloy lang na kiligin sa mga eksena ng The Lost Recipe, pagkatapos ng 24 Oras, sa GTV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Judy Ann Santos, magbibigay-pugay sa mga kababaihan sa ‘Paano Kita Mapasasalamatan’

Thia Thomalla at Pancho Magno, ready na sa mga karakter nila sa ‘First Yaya’