Maraming viewers ang bumibilib at nakaka-appreciate sa pagpapatuloy ng well-loved singing competition for kids ng GMA Network na ‘Centerstage’ sa nakaraan nitong episode noong Linggo, March 7.
Komento ng Kapuso viewers sa social media, bukod daw sa mahuhusay na contestants ay nakakabilib din ang ginagamit na virtual set ng programa. Patunay raw ito na walang makakapigil sa GMA para maghatid ng world-class na programa habang ipinapamalas ang mga angking talento ng mga bata.
Sey ng isang netizen, “Thank you #GMA #Centerstage for the wonderful and tearjerking show tonight. No amount of deadly pandemic can stop you from making kids continue to shine and inspire us. Congrats #Vianna pinaiyak mo kami tagos sa bone marrow.”
Dagdag naman ng iba, “Thank you GMA for investing in technology to showcase the talents of kids in the #Centerstage and still be safe this pandemic.”
Mapapanood tuwing Linggo ang journey ng mga aspiring Bida Kids sa ‘Centerstage,’ 7:40 PM, bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.