in

DA HU!? Talent manager na broken hearted, malapit nang layasan ng alagang aktor

Maraming nakakapansin sa mga pino-post sa social media ng isang talent manager. Sunud-sunod kasi ang kanyang mga emote. Hinala tuloy ng ilan, naging sila ba ng kanyang alagang young actor?

Kung pagbabasehan kasi ang pattern, parang si young actor ang kanyang tinutukoy sa mga post.

Pero bukod sa lovelife ng pa-girl na manager, usap-usapan na rin na baka raw layasan na s’ya ng kanyang alaga. Imagine binuhos lahat ng manager sa young actor tapos lalayasan na?

Bakit kaya lalayasan? Kinakabit pa rin ng netizens na baka kasi break na sila kaya aalis na rin ang talent. Hindi naman ata kakayanin iyon ng manager.

Pagmamalaki n’ya na s’ya ang nakatulong sa career ng binata. Pero nung time na nasa sentro ng kontrobersya ang aktor at nung time na lumalaki na ang ulo nito, walang nagawa ang manager.

Ewan ba kung sinadya ba ang kontrobersya para pag-usapan at pasikatin ang binata. O sadyang hindi alam ng manager ang dapat gawin.

Pero ang style ng manager, parang walang pinagdadaanan kapag humaharap sa mga ganap. Ngunit todo post naman sa social media.

Drama queen din ang peg sa social media. Well, sana maayos ang problema na ‘yan at maayos din sana ang ilang reklamo sa manager.

Tingnan na lang natin kung saan pupulutin ang mayabang na alaga. At tingnan na lang din natin kung ano ang magiging reaksyon ni manager kapag tuluyang lumayas ang alaga. Hindi kaya mas lalo s’yang maging drama queen?

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jeepney TV, humakot na ng 1 Million YouTube Subscribers

Paulo Avelino, pipigilan ang kasalang Angelica Panganiban-Zanjoe Marudo sa ‘Walang Hanggang Paalam’