in

Benjamin Alves, may hugot sa character niyang si Doc Migs

Malapit sa loob ni Benjamin Alves ang kanyang character sa Owe My Love na si Doc Migs Alcancia dahil kahit papaano raw ay nailalabas niya ang mga gusto niyang iparamdamdam sa kanyang yumaong ama.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Ben ang message niya sa kanyang late dad: “I hope you hear the things I never got to say to you through my relationship with Lolo Badong (Leo Martinez). I hope you see how much I wanted to say I love you but never could. I wish I could’ve taken better care of you the way Migs does to his Lolo. Still, I hope you are happy with me as your son.”

Ganito rin ang naging sagot niya sa #KPRGAsks sa Facebook page ni Kapuso PR Girl: “Lahat po ng mga linya ni Doc Migs, yun po ang feelings ko toward my dad. ‘Yun po ang pinakahugot for me for the character na Doc Migs.”

Tiyak kaming marami rin ang nakaka-relate sa karakter ni Ben bilang isang mapagmahal na apo. Kaya naman tuloy lang ang pagsubaybay sa kuwento ni Doc Migs Alcancia gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paul Salas, pinamalas ang singing talent sa OST ng ‘The Lost Recipe’

Mayroong Talento O Wala, maghahamunan sa ‘Versus’ ng ‘It’s Showtime’