in

Kuwento ng ‘Love of My Life,’ relatable

Malapit sa puso at relatable para kay Kapuso actress Carla Abellana ang kuwento ng kanyang pinagbibidahang GMA primetime series na ‘Love of My Life’ kung saan bida ang realidad ng isang modernong pamilya sa kasalukuyang panahon.

Ayon kay Carla na gumaganap bilang Adelle, hindi naman daw dapat manatiling ‘broken’ ang isang tao sa kabila ng pagkakaroon ng imperpekto at komplikadong pamilya gaya ng napapanood sa kanilang serye.

Ani ng aktres, “At least maganda na ngayon, 2021 na, may ganitong kuwento, may ganitong teleserye tulad ng Love Of My Life, na nagpapakita na ‘yung ganitong setup – ‘yung ganitong klaseng pagka-modern na family na hindi laging nagkakasundo but, at the end of the day, family pa rin kayo.”

Lubos naman na natutuwa si Carla sa positive feedback at mataas na ratings na natatanggap ng serye at para sa kaniya ay malaking factor ang pagka-realistic ng characters nila.

“The good thing about the story of Love Of My Life, you’ll see the flaws of everyone, you’ll see kung ano ang weaknesses nila, lalo na kapag nagka-clash ‘yung mga characters. Hindi siya formula e, parang very unexpected s’ya, very realistic,” aniya.

Patuloy na napapanood ang Love of My Life, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

MayWard, Francine Diaz, Donny Pangilinan, Arjo Atayde, at Gary Valenciano, Kapamilya pa rin

ABS-CBN Entertainment, numero unong YouTube channel na sa Southeast Asia