in

Ending ng baby switching story ng ‘KMJS,’ tinutukan ng viewers!

Marami ang nag-abang sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho kagabi, lalo na sa part 5 ng baby switching story, ang kauna-unahang documented case ng baby switching ayon sa Department of Health.

Ikinatuwa ng maraming manonood ang naging resulta nito kung saan ay naibalik na sa kanilang totoong mga magulang ang dalawang sanggol.

Dumaan sa dalawang DNA test ang mga sanggol at mga magulang na sina Aphril at Marvin Sifiata at Margareth Traballo at Kim Jasper Mulleno, upang magkaalaman kung sino talaga ang totoong magkadugo.

Si Margareth, malaki ang pasasalamat sa KMJS.

“Too overwhelming kaya ina-absorb ko pa. Pero very happy na nakabalik na sa amin si baby. Sobrang thankful po ako sa program n’yo dahil kung hindi po dahil sa program n’yo hindi po namin talaga malalaman yung totoo,” mensahe niya sa KMJS.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN Entertainment, numero unong YouTube channel na sa Southeast Asia

‘Freedom’ concert ni Regine Velasquez, bongga ang naging sorpresa sa mga manonood