Umani ng positive reviews ang advocacy project na inilunsad ng GMA Pinoy TV na “Pinoy Aklatan: Filipino Stories for Kids” o Pinoy A+ mula sa mga manonood at Kapuso personalities dahil sa mahusay nitong paraan ng paglalahad ng mga kuwentong kinalakihan ng mga Pilipino.
Noong una kasi, mga Kapuso abroad pa lang ang nakakapanood nito, pero kamakailan ay nagsimula na rin itong umere sa Pilipinas tuwing Linggo sa GTV.
Isa sa celebrity storytellers ng Pinoy A+ ang award-winning journalist na si Kara David. Pagbabahagi niya, “My parents instilled in us a love for reading. Reading not only widens your vocabulary, it also enhances one’s imagination. It has the power to make you travel and experience new worlds through imagination. For this reason, I’ve always been fascinated with storytelling — something that I still enjoy till now when I write my documentaries. Kaya when the invitation for Pinoy A+ came, I was so excited to be a part of it. Not only does this project impart knowledge to young kids… it is also a good opportunity to highlight the Filipino language and our beautiful Filipino values.”
Puri ng isang netizen, kahit ito ay mga kuwentong pambata, pumapatok din sa mga nakakatandang manonood. “I’m a 73 year old FilAm resident of New Jersey. I want to commend your Pinoy A+ program, it’s not only for kids but for everyone. I like it including the pretty faces of the narrators. Congrats and more power!”
Dagdag pa ng iba, “Sana ganyan ang palabas ninyo sa umaga para ang mga bata lalong ganahan sa pagbabasa.”
Dahil sa Pinoy A+, muling matutunghayan ang ilang classic Filipino stories tulad ng “Ang Manok at Ang Uwak”, “Ang Kuneho at ang Pagong”, “Ang Langgam at ang Tipaklong”, “Ang Makulit na Gansa”, “Si Juan at ang mga Alimango”, “Ang Agila at ang Maya”, “Ang Matalinong Palaka”, “Si Dagang Bayan at si Dagang Bukid”, “Ang Leon at ang Daga”, “Ang Inahing Manok”, at ang “Ang Alitaptap at Paru-paro.”
Abangan ang GMA Pinoy TV Original na “Pinoy Aklatan: Filipino Stories for Kids” (Pinoy A+) tuwing Linggo at 10:00-10:10 AM sa GTV!