Ngayong Sabado, February 27, magkakaroon ng second chance sa love sina Royce Cabrera at Elle Cristofani sa third installment ng My Fantastic Pag-ibig.
Lahat ng ex ni Gio (Royce) ay iniwan lang siya sa ere–ika nga, palagi na lang siya nagu-“ghost.” Ngunit nang dumating si Shine (Ella) sa buhay niya, ay nagkaroon ng kakaibang ilaw at saya ang lahat ng bagay. Siya ang tanging babaeng bumago sa buhay niya.
Isang certified “ghost” victim din si Shine pero tiwala siyang hindi ‘yun gagawin sa kanya ni Gio. Pero nang dumating ang monthsary date nila ay muli siyang nabigo dahil tatlong oras siyang naghintay kay Gio at hindi na siya nito sinipot!
Ano ba ang nangyari at hindi nakarating si Gio? At ano ang kinalaman dito ni Mr. T, the time keeper?
Alamin ito sa My Fantastic Pag-ibig Love Month Special: Ghosted. Makakasama nina Royce at Ella sa episode na ito sina Long Mejia, Philip Lazaro, Sue Prado, at Benedix Ramos. Ngayong Sabado na ‘yan, February 27, 7:30 PM sa GTV!