Aprubado at panalo sa panlasa ng viewers ang pilot episode ng pinakabagong cooking show ng GTV na ‘Farm To Table’ na pinangungunahan ng Kapuso chef na si Chef JR Royol.
Maganda, unique, at fresh raw ang konsepto na hatid ng ‘Farm To Table’ kung saan ang resident food explorer na si Chef JR ay bumibisita sa iba’t ibang farms sa bansa upang mangalap ng locally-produced ingredients at magluto ng mga putahe na naaayon sa paraan ng mga lokal.
Ikinatuwa at talagang sinubaybayan naman ng food lovers at aspiring chefs ang pilot episode ng Farm To Table nitong nakaraang Linggo.
Sa isang Instagram post ay ipinarating ni Chef JR ang kanyang lubos na pasasalamat sa mga nanood at tumangkilik sa kanilang unang episode, “Taos puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nag-abang na mapanood ang aming unang episode. Sa lahat din ng masigasig na nag-share at repost ng mga Farm To Table content – maraming salamat din po!”
Sumama na sa food adventures ni Chef JR Royol sa Farm To Table tuwing Linggo, 6:15 p.m. sa GTV.