Para sa Kapuso actor na si Abdul Raman, isang karangalan ang mapasama sa cast ng upcoming cultural drama series na Legal Wives.
Bukod kasi sa pagpapakita nito ng kultura ng mga Muslim, ito rin ang pagkakataon ni Abdul na makatrabaho ang batikang aktres na si Cherie Gil na isa rin sa mga nagsibling judges ng StarStruck Season 7 kung saan siya nagsimula.
Kung noon daw ay may takot siya rito, nawala na rin iyon ngayong mas nakilala na niya ang award-winning actress.
Wika ni Abdul, “She’s like a second mother to me, parang ganoon na rin ang turing ko sa kanya. She’s a really, really nice person and I love her to bits. I would really love to work with her again in a future teleserye.”
Bibida sa serye sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at mga aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali. Bahagi rin ng Legal Wives sina Al Tantay, Irma Adlawan, Shayne Sava, Ashley Ortega at marami pang iba.
Abangan ang Legal Wives, malapit na sa GMA-7!