Unang episode pa lang ng all-original comedy game show na Game of the Gens (GOTG) sa GMA News TV ay ramdam na ang mainit na pagtanggap ng mga manonood at netizens.
Kapansin-pansin ang magandang rapport ng GOTG hosts na sina Sef Cadayona at Andre Paras kaya naman umani ng papuri ang kanilang hosting skills. Marami ring nag-enjoy sa konsepto ng programa na para sa lahat ng henerasyon.
Post ni @joshdump, “Andre and Sef‘s hosting skills 💯 #GameOfTheGens.”
Ayon naman sa Twitter user na si @for__keeps, “It’s refreshing to see a game show now that caters to folks of varied generations coupled with a lot of fun, nostalgia at anlakas makabata! More power and best of luck to the staff and crew! #GameOfTheGens”
“The stage design is unique and awesome. #GameOfTheGens,” tweet ni @super_ian_boy.
Todo rin ang suporta ng mga Kapuso stars sa new show na ito nina Sef at Andre. Maski ang ina ni Andre na si Jackie Forster ay nagpahayag ng suporta sa proyekto ng anak via social media.
Kung G na G kayo sa kulitan at amazing trivia, tumutok lang sa Game of the Gens tuwing Linggo, 7:45 PM, sa GMA News TV.