in

ABS-CBN ilulunsad ang MOR Entertainment, mapapakinggan na sa iba’t ibang Digital Platform

Opisyal nang ilulunsad ng ABS-CBN ang MOR Entertainment online na maghahandog ng live programs araw-araw sa Facebook at Kumu, podcasts sa Spotify, at video exclusives sa YouTube simula Linggo (Pebrero 14).

Hatid ng bagong MOR ang mga kwelang talakayan, tunay na mga kwento ng buhay, bagong musika, at iba pang nakakapukaw na usapan na pangungunahan ng Kapamilya personalities mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas: sina Chico, Chinaheart, Kisses, Nicki Morena, Onse, at Popoy mula sa Manila; sina Ateng Jeri B, Erick D, Bong Bastic, at Tito Son mula sa iba’t ibang lalawigan ng Luzon; sina Daddy Sarge, Jacky G, Macky Kho, at Master James Spider mula naman sa Visayas; at sina Betina Briones, David Bang, Kokoy, at Mary Jay mula sa Mindanao.

Kaabang-abang ang MOR signature program na “Dear MOR” at mga bagong programa tulad ng “Good Time To,” “kumuKokoy,” “MOR Barkadahan,” “Lagot Ka Kay Medem,” “143 For Life,” “MOR Playlist,” at iba pa.

Ipapakilala rin ng MOR Entertainment ang iba pang shows na tatalakay sa relasyon, showbiz, travel at usaping lifestyle. Magtatampok din ito ng exclusive events at magtataguyod sa mga Pinoy na mang-aawit.

Mag-subscribe na sa MOR Entertainment YouTube channel, sundan ang @MORe sa Kumu, at i-like ang MORe Manila, MORe Luzon, MORe Visayas, at MORe Mindanao sa Facebook. Pakinggan ang “Dear MOR: The Podcast” sa Spotify at abangan ang iba pang podcasts na nalalapit nang mapakinggan.

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter, at Instagram (@abscbnpr), at bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jayda Avanzado, handog ang ‘Paano Kung Naging Tayo?’ ngayong Valentines

World-class acts handog ng ‘ASAP Natin ‘To’ ngayong Valentine’s Day