in

‘Feb-Ibig’ ng ABS-CBN, patuloy na ibinibida ang pag-ibig sa mga Pilipino

Damang-dama ang pag-ibig ngayong Pebrero sa pagbabalik ng temang “Feb-ibig” ng ABS-CBN na ipinapaalala sa mga Pilipino na ipadama ang kanilang pagmamahal sa kabila ng mga limitasyon ngayong panahon.

Kasama ang mga bituin mula sa iba’t ibang Kapamilya show, ipinapakita ng bagong “Feb-ibig” plug na walang distansya o pandemya ang babago sa pagmamahal natin para sa isa’t isa dahil sa pag-ibig, laging may paraan.

Bukambibig na ngayon ang terminong “Feb-ibig” na unang ginamit ng ABS-CBN noong 2007. Ideya ito ni Patrick De Leon, ang wordsmith at dating creative group head ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division. Ang CCM ang grupo sa likod ng mga minamahal nating Kapamilya station IDs.

Hango sa pinagtagping mga salitang “February” at pag-ibig, ang “Feb-ibig” ang naging tema ng ABS-CBN sa maraming taon tuwing buwan ng mga puso. Ginamit itong muli noong 2013, 2014, at 2015 at naging inspirasyon pa sa ilang episode ng “ASAP” at ng musical drama anthology show na “Your Song Presents.”

Muli itong bumida noong 2016 (Feb-ibig Wins), 2017 (Feb-ibig is the Answer), 2018 (Feb-ibig Forever), at 2019. Noong 2017 at 2018, nagkaroon pa ito ng theme song na inawit ng mga artista, una nina Bea Alonzo at Ian Veneracion at sunod ng mga bida ng “Sana Dalawa Ang Puso” sa pangunguna ni Jodi Sta. Maria. Naririnig itong muli sa kasalukuyang bersyon, na ibinibida naman ang mga programa tulad ng ” Magandang Buhay,” “Bagong Umaga,” “Ang Sa Iyo ay Akin,” “It’s Showtime,” “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Walang Hanggang Paalam, “MMK,” “Paano Kita Mapasasalamatan,” “I Can See Your Voice,” “Iba ‘Yan!,” and “ASAP Natin ‘To.”

Ayon kay CCM entertainment promo head Johnny Delos Santos, isa pang oportunidad ang “Feb-ibig” plugs para ikalat ang liwanag at ligaya sa mga Pilipino, tulad ng ginagawa nila sa sikat na summer at Christmas IDs ng network.

“Sa mahigit isang dekada, iba’t ibang mukha ng pag-ibig ang naipakita natin sa pamamagitan ng ‘Feb-ibig’ – romantikong pag-ibig, pagmamahal sa sarili, sa Diyos, kaibigan, at pamilya. Masaya kami na patuloy itong tinatangkilik ng mga Kapamilya. Dati ang batian lang tuwing Pebrero, Happy Valentine’s Day. Ngayon, mayroon na ring Happy Feb-ibig,” aniya.

Mapapanood ang “Feb-ibig” plug tuwing commercial break sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live. Ibinandera rin dito ang paparating na mga palabas mula sa ABS-CBN tulad ng “Your Face Sounds Familiar,” “Huwag Kang Mangamba,” “Princess DayaReese,” “Unloving U,” at “He’s Into Her.” Dumagdag pa sa kilig ang pagpapakita sa mga tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Marami sa mga programa ng ABS-CBN ay ipinapalabas sa Kapamilya Channel sa cable, A2Z Channel 11 sa free TV at digital TV, at sa Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook. Napapanood na rin ang “ASAP Natin ‘To” at “FPJ: Da King” tuwing Linggo sa TV5.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

BL actor lumaki ang ulo, ayaw nang makisama sa mga hindi sikat

Debut single ng BGYO, tumabo ng 100,000 streams sa Spotify