in

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, gaganap na Steve at Jamie ng ‘Voltes V: Legacy!’

Ipinakilala na ang mga gaganap bilang Steve Armstrong at Jamie Robinson ng much-awaited live-action adaptation ng Japanese anime series na ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA Network nitong Miyerkules (Pebrero 10) sa 24 Oras. 

Matapos patunayan ang kanyang husay at dedikasyon sa pag-arte mula sa kanyang mga pinagbidahang drama series, handa na si Miguel Tanfelix sa kanyang biggest role to date – ang karakter ni Steve Armstrong na tumatayong leader ng Team V5.  

Mensahe ni Miguel para sa fans ng Voltes V, “Babalik ang pagkabata n’yo habang nanonood kayo ng Voltes V at sa mga kahenerasyon ko, ngayon ipaparanas namin kung ano ang nararamdaman ng mga nanay at tatay n’yo before habang nonood sila ng Voltes V but with a different flavor. Very exciting. Ipaparamdam namin sa inyo ang lungkot, saya, epicness, at marami pa pong iba.” 

Samantala, ang promising Kapuso actress na si Ysabel Ortega naman ang napiling gumanap para sa role ni Jamie Robinson na nag-iisang babae sa Team V5. 

“Voltes V has a lot of meaning to its story. It’s not just about family, it’s also about fighting for what you believe in, serving your country, and being a hero in your own way. I would love to be someone who is in that position to inspire a lot of people,” ani Ysabel. 

Makakasama nina Miguel at Ysabel na bubuo sa Team V5 sina Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong, at Rafael Landicho bilang Little Jon Armstrong. 

Let’s volt in na, mga Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Trabahanap Live’ Season 4, patuloy na aagapay sa paghahanap ng trabaho ngayong pandemya

Mav Gonzales, may payo sa mga single