in

All-original show ‘Game of the Gens,’ handa nang maghatid ng saya simula ngayong Linggo

Ngayong Pebrero 14, siguradong mapupuno ng tawanan, good vibes, at kaalaman ang inyong Sunday nights dahil sa pagdating ng all-original GMA News TV game show na ‘Game of the Gens.’ Pangungunahan ito nina Sef Cadayona at Andre Paras, at makakasama nila rito ang former Britain’s Got Talent top act na The Miss Tres. 

Kuwento nina Sef at Andre, perfect addition sa programa ang The Miss Tres na tinatawag nilang Gen Dolls.

Ayon kay Andre, “Veteran ‘yung dating nila, marunong silang pumasok, ‘yung timing nila perfect–it’s perfect for the show. And hindi lang comedy ‘yung binibigay; they can sing, they can dance, they can act.”

Dagdag naman ni Sef, “Happy ako kasi it’s their time to shine. ‘Yung isa pang masaya sa akin na factor is magkakasama kami gagawin ‘to. First namin lahat, and introducing also a first all-original show.” 

Samantala, para sa unang episode ngayong Linggo, ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza at ang kanyang ama na si Antonio “Tony” Forteza ang makakatapat nina Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid at seasoned actress Ms. Snooky Serna sa pagalingan sa pagsagot. Sino kaya ang magwawagi? 

Huwag nang magpahuli at makisaya na sa ‘Game of the Gens’ simula ngayong Pebrero 14, 7:45pm, sa GMA News TV. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga estudyateng apektado ng pandemya, tinulungan ng Knowledge Channel

Air Supply, puring-puri sa ‘All Out of Love’ remake nina Iñigo Pascual at Moophs