in ,

Gaganap na Big Bert, Little Jon, at Mark ng ‘Voltes V: Legacy,’ ipinakilala na!

Inanunsyo na ang tatlo sa mga gaganap na miyembro ng Team V5 na sina Big Bert Armstrong, Little Jon Armstrong, at Mark Gordon ng much-awaited live-action adaptation ng Japanese anime series na ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA Network nitong Lunes (Pebrero 8).

Tinutukan at inabangan ng netizens lalo na ng loyal fans ng iconic series ang tatlo sa cast members na bubuo sa Team V5 na ipinakilala sa 24 Oras.

Napiling gumanap na Little Jon ang talented child Kapuso actor na si Rafael Landicho, ang StarStruck Season 7 alumnus naman na si Radson Flores ang gaganap na Mark, habang si Matt Lozano naman ang nagwagi mula sa auditionees para sa karakter ni Big Bert.

Ikinuwento ni Radson na dama niya ang kaba at excitement sa kanyang first big role at puspusan na rin ang kanyang pagte-training para sa karakter ni Mark.

Aniya, “Sobrang grateful ko po na ako ang gaganap bilang Mark. Ang dami kong character analysis na gagawin para kay Mark kaya nakaka-excite.”

May pagkakatulad naman daw ang singer-actor at Spogify 2016 winner na si Matt kay Big Bert, “Si Big Bert kasi masayahing tao pero at the back of his mind nandoon ‘yung lungkot. Pareho kami na kahit nalulungkot, gumagawa pa rin ng way para mapasaya ang lahat. Hindi lang ‘yung sarili ko kung hindi pati na rin ‘yung nakapaligid sa akin.”

Ang pinakabatang miyembro naman ng Team V5 na si Rafael ay excited na rin gampanan ang kanyang role bilang ang genius na si Little Jon, “Hindi po ako makapaniwala na nakuha po ako bilang isa sa mga gaganap sa Voltes V. Excited na po akong makita ‘yung Camp Big Falcon at mga ships na malalaki.”

Samantala, nakatakda namang ianunsyo ang kukumpleto sa Team V5 na sina Steve Armstrong at Jamie Robinson ngayong Miyerkules (February 10) sa 24 Oras.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Unloving U’ ng LoiNie, pinabilib ang fans, trending agad sa social media

‘PBB Housemates,’ nominado lahat pagkatapos ma-evict ni Kyron Aguilera