in

‘Di matinag-tinag… ‘KMJS,’ #1 pa rin!

Linggo-linggo ay talaga namang inaabangan ng mga manunuod ang Kapuso Mo, Jessica Soho at hindi na nga nakapagtataka na number 1 TV program ito ayon sa Nielsen Phils.’

NUTAM Ratings para sa buong 2020. Matagal nang nangunguna sa puso ng viewers ang programa ni Jessica Soho. Kahit noong 2019, ito rin ang top-rating show sa nationwide urban ratings.

Pati online ay talaga namang napakalakas ng KMJS. Mayroon itong 1.7 billion views online sa taong 2020 lang at umabot na rin sa 21 million ang followers nito sa Facebook. Consistent din sa pagiging weekly trending topic ang KMJS. 

Sa kabila ng mga pagsubok, pag-asa ang hatid ng mga kuwentong tinatampok sa KMJS.  Hindi nga ba’t isa ang KMJS sa mga nagkaroon agad ng fresh episodes noong kasagsagan ng pandemic last year? Patuloy rin ang KMJS sa pagpapalabas ng inspiring stories kabilang na ang mga kuwento ng health workers at frontliners na walang sawang nagbibigay serbisyo sa bayan. Bukod pa sa ayuda na binibigay ng programa kada Linggo, nagiging daan din ang KMJS na matulungan ang mga kababayan natin sa pamamagitan ng mga donasyon ng mga manunuod na diretsong nakararating sa mga nangangailangan.

Sunday night habit na nga kung ituring ang KMJS. Sana ay ipagpatuloy pa ninyo ang inyong Serbisyong Totoo! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Magpakilig sa ‘Harana from the Heart’ ng Kapuso Network!

World class Pinoy talents, aabangan sa engrandeng selebrasyon ng ika-26 taon ng ‘ASAP Natin ‘To’