Lubos ang pagpapasalamat ni Divine Aucina dahil nakakatanggap siya ng mga project sa kabila ng pandemya.
Sa kanyang emotional Facebook post, ibinahagi niya kung paanong muntik na niyang talikuran ang pag-aartista. Buti na lang daw at may programang binigay sa kanya ang GMA.
“Half a year ago, I almost decided to quit what I’ve always loved doing, yung pag-arte. Katulad ng napakarami kong kasamahan sa entertainment at sa iba pang industry – nawalan rin po ng kabuhayan ng halos isang taon. The uncertainties pinned me down to the core. I kept praying for another opportunity to spring from every project big or small. Gagalingan at huhusayan kasi passport ko ‘to for the next project. That was the mantra. My gosh 2020 what a time. Kala ko ito na yun. Pero hindi pa pala. My rainbow heart is full, I’m too grateful for everything and everyone na naging daan para magkatrabaho,” ani Divine sa kanyang Facebook post.
Kabilang si Divine sa unang kuwento ng romance-fantasy anthology ng GMA Public Affairs na My Fantastic Pag-ibig na napapanuod tuwing Sabado, 7:30 pm, sa GMA News TV. Ginagampanan niya rito si Freya, isang strong Filipina.
First time rin niyang makatambal ang Kapuso hunk na si Rodjun Cruz. “Naalala ko si Rodjun dati pinapanood ko lang siya sa boy group nila. Ngayon ka-eksena ko na s’ya, I feel privileged. He is such a performer at sa set nagti-TIKTOK pa kami. Ang saya!”
Bukod My Fantastic Pag-ibig, napanuod din si Divine sa episode ng Dear Uge noong nakaraang Linggo. Kasama rin siya sa upcoming GMA Telebabad series na Legal Wives.