in

‘Miss Malakas’ na si Aizyl Tandugon, ex-housemate na matapos ma-evict sa ‘PBB Connect’

Pagkatapos ng halos sunod-sunod na nominasyon, tuluyan nang natuldukan ang pagiging housemate ni “Miss Malakas ng Misamis Oriental” na si Aizyl Tandugon matapos siyang ma-evict sa bahay ni Kuya noong Linggo (Enero 31) sa “PBB Connect.”

Dikit ang laban ni Aizyl sa malapit na kaibigan na si Ella Cayabyab. Nakakuha si Aizyl ng 12.61% na pinagsamang boto mula sa Kumu at text, habang 12.68% naman ang botong pumasok para kay Ella sa naging ika-anim na eviction night.

May pasabog ding magaganap sa “PBB Connect” dahil pwedeng makapasok sa bahay ni Kuya ang avid viewers bilang houseguest.

Nalunsad na ang ‘Online Bahay Ni Kuya’ sa Kumu app, kung saan kailangang magawa ng aspiring houseguests ang online tasks ni Kuya para mabigyan ng pagkakataon na makapasok sa bahay niya.

Ang dalawang aspiring houseguests na makakatanggap ng pinakamaraming diamonds sa Kumu ang makakapasok sa ‘PBB’ house at mabibigyan ng pagkakataong makipagsabayan sa housemates para sa weekly task nila ng isang linggo.

Para maging houseguest, kailangan maging isang Pilipino na nasa edad 18-35 taong gulang, may sariling Kumu account, fina-follow ang official PBB social media accounts, handang mag-livestream sa Kumu, at harapin ang mga task ni Kuya.

Kapag na-download na ang Kumu app at na-follow ang PBB account sa Kumu, kailangan lang mag-register sa Kumu. Pumunta sa “Menu,” i-click ang “Campaigns,” piliin ang “PBB Online Bahay,” at i-click ang link sa description.

Sino na naman kaya ang mapapabilang sa mga nominado ngayong linggo? Ilang Kumuzens kaya ang tatanggap sa online tasks ni Kuya para maging houseguest?

Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,” 10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong P-Pop Group na ‘BGYO’ tuloy ang pagtrending

Jodi Sta. Maria, pinagtangkaan ang buhay sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’