in

Shayne Sava, excited na sa ‘Legal Wives’

Hindi na maitago ng Kapuso actress at StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava ang kaniyang excitement bilang bahagi ng upcoming cultural drama series na Legal Wives. Gagampanan niya rito ang role ni Jamilah, ang pinakabatang miyembro ng mga Macadato, isang pamilyang Maranaw.

Sa kaniyang nakaraang interview, ikinuwento ni Shayne na nakatulong ng malaki ang gabay ng mga kasama niyang beteranong aktres sa show, “May scene po na tinuran po nila ‘ko kung paano ko dapat atakihin ‘yung script ko, kung paano dapat atakihin ‘yung sasabihin ko. Dahil po doon, mas lalo pong nagbigay klaro doon sa scene na gagawin namin–kung ano po ‘yung dapat kong gawin, kung paano ko pa siya dapat i-deliver. Sobrang nakakatuwa lang po kasi nakakakuha ako ng advice tapos galing pa po sa veteran actress so honored po talaga ako.”

Malapit na malapit nang matunghayan ang kuwento ng ‘Legal Wives’ sa GMA Telebabad. Abangan!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong Educational shows tampok sa ‘Just Love Kids’ portal

Brother group ng Momoland na T1419, bagong susubaybayan ng mga Pinoy