in

‘All-Out Sundays,’ winner ang first anniversary special!

Sinubaybayan at pinag-usapan online ang star-studded first anniversary celebration ng ‘All-Out Sundays’ nitong nakaraang Linggo.

Talaga namang hindi natitinag at lalo pang gumaganda ang performances sa musical musical-comedy-variety program ng Kapuso Network na All-Out Sundays.
Nito ngang Linggo ay extra special ang mga performance ng AyOS barkada at nagsama-sama pa ang ilan sa brightest Kapuso stars sa pagdiriwang ng first anniversary ng programa.

Labis naman itong ikinatuwa ng viewers ng All-Out Sundays na game na game na nakipag-Twitter party habang umeere ang anniversary special. Hindi tuloy kataka-taka na pasok sa trending topic ang #AOSNumber1 nitong Linggo.

Komento ng isang netizen, “Grabe naman #AOS nagrequest lang naman ako ng Sing and Dance prod pero bakit malaconcert binigay nyo. Ayeh proud Kapuso here. Happy Anniversary #AOSnumber1”

“The camera angle, effects, lighting, stage, the performance and the energy is really lit! Wow @AllOutSundays7 #AOSnumber1,” dagdag pa ng isang netizen.
Patuloy na subaybayan ang All-Out Sundays tuwing Linggo ng tanghali sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ika-4 na Grand Champion ng ‘Tawag Ng Tanghalan’ sa ‘It’s Showtime,’ pipiliin na ng madlang people at mga hurado

Mag-chill kasama si Edward Barber sa bago niyang MYX show na ‘Kwentong Barber’ sa Kumu