in

Kim de Leon kay Lexi Gonzales: I love working with her

“The peanut butter to my jelly” kung ituring ni Kim de Leon ang kanyang leading lady na si Lexi Gonzales sa bagong fantasy-romance anthology series ng GMA News TV na “My Fantastic Pag-ibig.” Sina Kim at Lexi ang bibida sa first installment nitong “Love Wars.”

“As a love team partner, I guess she’s the peanut butter to my jelly. I love working with her, nakikita ko naman na kumportable na kami sa isa’t isa as a love team. Si Lexi nakakasama ko na on-cam and off-cam. StarStruck pa lang we’re good friends na kaya there’s no awkwardness at all. Hindi ako nahirapan na makatrabaho siya,” aniya sa interview with GMANetwork.com.

Bukod dito, mahusay na aktres din daw umano si Lexi. “In fact, natutulungan niya ako sa mga eksena at she’s very good. Magaling siya umarte. Very professional kaya I love working with her,” dagdag pa ni Kim.

Ang “Love Wars” ay tungkol sa isang kupido at dating app developer. Nangangamba ang mga kupido na maraming tao ang magiging broken-hearted at mawawalan ng paniniwala sa true love dahil sa dating app na “MatchMaker.”

Kaya naman ang magiging misyon ni Milos/Pido (Kim) ay isabotahe ang tagumpay ng dating app. Magpapanggap siyang intern at mag-a-apply sa kumpanyang humahawak sa “MatchMaker.” Doon ay makikilala niya ang charming na developer nito na si Lovelyn (Lexi).

Bukod kina Kim at Lexi, kabilang din sa cast sina Rodjun Cruz, Divine Aucina, Maey Bautista, at Mike Liwag.

Mula sa direksyon ni Michael Christian Cardoz, abangan ang fantasy-romance anthology na handa nang maghatid ng kilig at saya simula January 30, 7:45 p.m. sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kasunduan nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria, kontrobersyal sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’

Lovi Poe at Benjamin Alves, malapit nang magpakilig sa ‘Owe My Love’