in

Kasunduan nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria, kontrobersyal sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’

Tagisan ng husay sa pag-arte sina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado sa inaabangang eksena noong Miyerkules ng gabi. Usap-usapan sa social media ang pagmamakaawa at pagluhod ni Ellice (Iza Calzado) kay Marissa (Jodi Sta. Maria) at pakikipagkasundo nito para maisalba ang buhay ng kanyang anak na si Hope (Kira Balinger) sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Puring-puri ang mga sumusubaybay sa palabas at marami ang naka-relate sa mga naramdaman ng mga bida lalo na ang ginawa ni Ellice na pagpayag sa lahat ng hiniling ni Jodi para sa kanyang anak, kahit gaano kasakit ang pagbigay ng kalahating porsiento ng kanyang pag-aari sa Cenidoza.

“I admire Ellice @MissIzaCalzado! That is the best example of an unconditional love from a mother. You’ll drop everything for the sake of your family. Your daughter! She even ready to give up her pride. I love how she portray Ellice character. #ASIAAagreement,” tweet ni @JanKeerbee.

“Mother will do everything for her child, indeed!!! #ASIAAagreement @Kbalinger @MissIzaCalzado,” sabi ni @Akiyaaaah.

Ani ni @Josie45276587, “Kawawa naman si Ellice. She will do what it takes for the love of Hope.”

Sa kagustuhan nitong tulungan si Hope, nagpatest si Jake (Grae Fernandez) nang patakas sa ospital at doon nalaman na compatabile sila ni Hope (Kira Balinger).

Dahil natuklasan na nito ni Marissa, malaking kapalit ang hiningi nito sa kaaway.

Hindi pa nakuntento si Marissa dito dahil gusto niya ring pumirma si Ellice sa isang non-disclosure agreement na kung hindi masusunod ng huli, makukuha ng una ang lahat ng shares nito sa Cenidoza.

Tumupad kaya si Ellice sa non-disclosure agreement at hindi sabihin ito sa kahit sinoman? Maging successful kaya ang operasyon ni Hope?

Patuloy na panoorin ang “Ang Sa Iyo Ay Akin,” gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel.

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga pangarap na natupad dahil sa sikat na Facebook page, tampok sa ‘Paano Kita Mapasasalamatan’

Kim de Leon kay Lexi Gonzales: I love working with her