Tinutukan ng maraming Pilipino ang pamamaalam ng karakter ni Yassi Pressman sa “FPJ’s Ang Probinsyano” matapos na ideklarang patay si Alyana at naiwang nag-aagaw buhay naman si Cardo (Coco Martin) sa isang madugong sagupaan noong Lunes (Enero 25).
Humakot ng higit sa 102,000 peak concurrent viewers ang emosyonal na episode sa parehong YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, at nalagpasan nito ang sariling live viewership record ng programa sa Kapamilya Online Live pagkatapos ang tatlong magkakasunod na episode. Wala pa mang isang araw, nakapagtala na rin ang episode ng higit sa 4.1 milyong views sa YouTube.
Bago pa ito, tinutukan na rin ng mga Pinoy ang maaksyong tapatan sa pagitan ng Task Force Agila at Black Ops hanggang pagkamatay ni Alyana sa pinakahuling tatlong episodes ng show na nagtala na ng higit sa 9.6 milyong views ang highlights sa YouTube.
Noong Lunes, nag-trending naman sa Twitter Philippines ang hashtag na #FPJAP5HabangBuhay pati na ang “Alyana,” “Cardo,” and “Ang Probinsyano” dahil sa pagpapahayag ng viewers ng pagdadalamhati sa nakakaiyak na pamamaalam nina Cardo (Coco Martin) at Alyana sa isa’t isa sa isang panaginip.
Nauwi sa kamatayan ang pagsisikap ni Alyana na iligtas ang buhay ni Cardo sa gitna ng engkwentro ng Task Force Agila at Black Ops, matapos niyang makawala sa pagkakakulong kay Lito (Richard Gutierrez) at malaman ang plano nitong patayin ang asawa.
Ngunit habang wala na si Alyana, patuloy pa ring nag-aagaw-buhay si Cardo mula sa pagkakabaril niya kina Pol. Capt. Lia Mante (Jane de Leon) at Maj. Albert de Vela (Geoff Eigenmann) habang sugatan din ang ilang miyembro ng Task Force Agila.
Samantala, lalo namang mapupuno ng galit si Lito dahil sa pagkabigo niyang makuha si Alyana at ngayon ay gagawin niya ang lahat upang ipapatay si Cardo. Matuklasan na kaya ni Cardo ang totoong pagkatao ni Lito? Saan na kaya magtatago sina Cardo at ang Task Force Agila?
Panoorin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.