in

Special show ng GMA Network, aprub sa netizens at online shoppers

Mas naging espesyal ang pagtatapos ng taon para sa netizens at online shoppers na nag-abang sa engrandeng selebrasyon na hatid ng GMA Network at Lazada sa nagdaang ‘Lazada 12.12 Super Show: Give Laz on Christmas.’

Bukod kasi sa mga bigating papremyo na ipinamigay sa viewers noong araw na iyon, ikinatuwa rin ng mga nag-abang ng midnight countdown show ang pasabog na performances mula sa bigating Kapuso stars and guests.

Sa pangunguna ng mahuhusay na Kapuso comedians na sina Michael V., Aiai Delas Alas, at Jose Manalo, enjoy na enjoy ang viewers na mag-add to cart habang nanonood ng performances mula kina Julie Anne San Jose, Edgar Allan Guzman, Rhian Ramos, Barbie Forteza, Ruru Madrid, Betong Sumaya, Boobay, at kasama rin ang iba pang celebrity guests.

Pinuri rin ng netizens ang mahusay na direksyon ng tanyag na direktor na si Rico Gutierrez, “Si Rico Gutierrez pala ang director kaya superb at walang dull moment!”

Kapansin-pansin din daw ang mala-world class na stage at setup ng Kapuso Network, “’Pag gawang GMA talaga world class ang stage pati lighting.”

Kakaiba nga naman ang naging treatment ng show na iyon kaya nakakaaliw at sana magkaroon ulit ng ganoong klaseng show ngayong taon dahil for sure, marami na ulit ang nag-aabang para sa susunod na online shopping sale!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ang lakas ng effect! ‘ASAP’ sa TV5, pinagkaguluhan online

Award-winning film na ‘Quezon’s Game,’ mapapanood na sa buong mundo sa iWantTFC