in

‘Centerstage,’ inaabangan na ang pagbabalik

Dalawang linggo na lang at mapapanood na muli ang pasiklaban ng aspiring Bida Kids sa singing competition ng GMA Network na ‘Centerstage’!

Excited na ang netizens at usap-usapan na sa social media ang pagbabalik nito. Talagang nabitin daw kasi ang mga manonoood nang matigil ang show last year dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Kaabang-abang ang comeback ng programa lalo na’t ibibida na ng Centerstage ang makabago nitong virtual set! Para sa kaligtasan kasi ng mga contestants at production team, wala pa ring live audience at ishu-shoot ang kanilang performances sa kani-kanilang mga bahay.

Kaunting antay na lang at mapapanood na ang mas pinabonggang ‘Centerstage’ sa GMA-7 ngayong Pebrero 7 na!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

WOW! GMA Affordabox, isang milyong units na agad ang naibenta!

Lovely Abella, ikinasal na!