Pagkatapos mapanood at humakot ng awards sa buong mundo, uuwi na sa Pilipinas ang critically acclaimed historical movie na “Quezon’s Game” para mapanood ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa dahil magiging available na ito sa iWantTFC streaming service.
Simula Enero 27 kasabay ng International Holocaust Remembrance Day, mapapanood ng standard at premium subscribers ang “Quezon’s Game,” na tungkol sa pagsagip ni Pres. Manuel L. Quezon (Raymond Bagatsing) sa 1,300 Jewish refugees mula sa Holocaust na nagsimula noong 1938.
Mapapanood din ng lahat ng iWantTFC users ang totoong kwento ng ilang Jewish survivors na tumira sa Pilipinas o tinatawag na Manilaners sa docu series na “The Last Manilaners” dahil libre rin itong mapapanood sa Enero 28.
Humakot ng parangal ang “Quezon’s Game” sa iba’t ibang bahagi ng mundo simula noong ipinalabas ito noong 2018. Kabilang sa mga award nito ang 12 awards mula sa Cinema World Fest Awards, anim na awards mula sa IndieFEST Film Awards, at apat na awards mula sa WorldFest-Houston International Film & Video Festival, kabilang na ang Remi Award for Best Foreign Picture.
Inulan din ng papuri ang pelikula dahil sa mahusay nitong pagkukuwento. Nagandahan sa finale ng “Quezon’s Game” si Philippine Daily Inquirer entertainment editor Rito P. Asilo at sinulat na ito ay “one of the most indelible and touching finales ever staged this film season.”
Sabi naman ni Franz Sorilla IV ng Asia Tatler sa kanyang review, naging maayos ang daloy ng pelikula dahil sa maganda nitong pagtatahi ng mga kwento tungkol sa kasaysayan.
Dagdag naman nina Stephanie Mayo ng Tribune at Mario Alvaro Limos ng Esquire Magazine, malinaw na naipakita sa pelikula na dapat na nilalabanan ang diskrimasyon at pang-aapi sa kapwa.
Ang “Quezon’s Game” ay mula sa direksyon ni Matthew Rosen at pinagbibidahan naman ni Raymond Bagatsing.
Mapapanood ito ng standard at premium subscribers worldwide sa Enero 27 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Magiging available naman nang libre sa buong mundo ang “The Last Manilaners” sa Enero 28. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected].