in

Pauline Mendoza, hanga sa dedikasyon ni Kristoffer Martin

Thankful ang cast ng Babawiin Ko Ang Lahat sa kanilang co-star na si Kristoffer Martin na naging susi diumano para mas maging matibay at close ang samahan nila sa lock-in taping sa Batangas.

Ayon sa bida ng serye na si Pauline Mendoza, nakita niya ang dedikasyon ng aktor sa kanyang trabaho.

Kuwento niya, “’Yung experience ko po with Kuya Tuntun, he’s an actor, very professional talaga siya sa craft niya and talagang dedicated siya sa lahat ng ginagawa niya. Hindi lang in real life, pati rin bilang magaling na aktor.”

Dagdag ni Pauline, “Happy ako kasi hindi lang kita nakilala bilang isang magaling na artista, nakilala rin kita on who you really are as a person.”

Agree naman dito ang kanilang mga kasama sa serye na sina Dave Bornea, Therese Malvar, Liezel Lopez, at Manolo Pedrosa dahil hindi raw pinaramdam ni Kristoffer na mas lamang siya sa kanila, kahit matagal na siya sa industriya.

Samantala, abangan ang nalalapit na pagsisimula ng Babawiin Ko Ang Lahat ngayong Pebrero na sa GMA Afternoon Prime. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, kinakikiligan pa rin sa ‘Hoy, Love You!’ ng iWantTFC

‘We Give Our Yes’ ni Jamie Rivera, awitin para sa pagdiriwang ng ‘500 Years of Christianity’ sa bansa