in

Kim de Leon at Lexi Gonzales kampante na sa isa’t isa!

Inamin ng Kapuso actress na si Lexi Gonzales na close siya sa StarStruck Season 7 batchmate niyang si Kim de Leon.

“Marami kaming napagkakasunduang bagay. Sometimes, hindi na namin kailangan sabihin, ‘pag nasa isang situation kami and we see something funny,magtitinginan na lang kami and we already know what it is,” share ni Lexi sa latest episode ng #KPRGAsks sa Facebook page ni Kapuso PR Girl.

Mukhang makikita ng kanilang fans kung gaano sila ka-kumportable sa isa’t isa dahil sina Kim at Lexi ang bibida sa unang installment ng fantasy rom-com series ng GMA News TV na “My Fantastic Pag-ibig.” 

Abangan ang tambalang KimLex sa My Fantastic Pag-ibig ngayong January 30, 7:45 p.m., sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Katotohanan sa pagkatao nina Heaven Peralejo at Barbie Imperial, nabunyag na sa ‘Bagong Umaga’

Arra San Agustin, na-biktima ng stalker!