in

Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, kinakikiligan pa rin sa ‘Hoy, Love You!’ ng iWantTFC

Dama pa rin hanggang ngayon ng netizens ang kilig na dala ng JoRox loveteam nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap sa original series nilang “Hoy, Love You!”, na napapanood pa rin nang libre sa buong mundo sa iWantTFC.

Natunghayan sa unang apat na episode ng serye ang nakakakilig na pagkakamabutihan na nauwi sa pag-iibigan ng single parents na sina Jules (Joross) at Marge (Roxanne). Subalit sa pagbabalik ng ex-boyfriend ni Marge na si Richard (Dominic Ochoa), lalong kailangan patunayan ni Jules na siya ang nararapat sa puso ni Marge.

Bukod sa good vibes mula sa JoRox, nagbibigay din saya at katatawanan ang serye sa mga manonood dahil sa mga eksena ng iba pang stars nitong sina Keanna Reeves, Pepe Herrera, TJ Valderrama, Yamyam Gucong, at Ms. Carmi Martin.

Ngayong araw-araw na may bagong episode itong pinapalabas, araw-araw ding kasama sa trending topics sa Twitter Philippines ang official taglines of the day nito.

Komento ni Twitter user @reigndelacruz, “Basta JoRox talaga iba ang kilig at saya na hatid, ewan ko ba anong meron ang tandem na ito! Napakagagaling mapadrama at komedya, kayang-kaya!”

Ayon kay @KarJonHongKong, “Thank you so much @iwanttfc @TheodoreBoborol sa HLY na ‘to. May abangan ako gabi-gabi at free ko mapanood. Tulad kong OFW talagang isa ‘to sa nagpapasaya sa amin kapag may mapanood kami magandang show. Nakakagood vibes siya.”

“Done watching! Nakakagood vibes lalo na ‘yung paharana sa dulo. Haha nawala pagkastress ko sa lesson kanina sa online class!” sabi ni @iamsolidkarina sa Twitter.

Nag-post din si @mbarciaga ng, “Hindi ako huge fan ng Pinoy sitcom pero sobrang promising nito. Ito ang magpapasaya sa atin ngayon lalo na’t may pandemya. Support na rin sa ABS haha.”

Bukod sa kilig ng JoRox, inaabangan na rin ng fans ang mga susunod na episode para sa tambalan ng KarJon na sina Aljon Mendoza at Karina Bautista.

Libreng napapanood sa buong mundo ang “Hoy, Love You!” sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mayroon itong pitong episodes na isa-isang inilalabas araw-araw tuwing 8 PM hanggang Enero 24. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected].

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Arra San Agustin, na-biktima ng stalker!

Pauline Mendoza, hanga sa dedikasyon ni Kristoffer Martin