in ,

MiKel, nakakakilig: ‘The Lost Recipe,’ highest rating show ng GMA News TV ngayong taon!

Sabay na tinutukan ng MiKel fans ang online guesting nina Mikee Quintos and Kelvin Miranda sa PEP at ang airing ng fourth episode ng The Lost Recipe nitong Huwebes, January 21. Multi-tasking nga ang ginawa ng tagasuporta ng dalawa dahil habang nanunuod sila ng fantasy-romance series ng GMA News TV ay tutok din sila sa livestreaming interview at nakakapag-post pa ng mga comments at tanong para sa kanilang idolo. 

Mapa TV man o online guesting, isa lang ang masasabi nila, “Sobrang nakakakilig ang MiKel!”

Bukod sa laging top trending ang The Lost Recipe sa Twitter Philippines, ito na nga ang highest rating program ng GMA News TV ngayong 2021. Grateful naman ang mga bida ng serye sa mainit na pagtanggap ng publiko hindi lang sa kanilang bagong tambalan kundi mismong sa The Lost Recipe.

Say nina Mikee, nakaka-energize nga raw ang magagandang reaction na nababasa nila online. 

“When I feel extra tired, doon ako magbabasa ng tweets, kasi nakakawala ng pagod reading reactions about the show,” ani ni Mikee.

Dagdag naman ni Kelvin, “Ginaganahan kami lalo kapag nakikita namin na talagang na-aappreciate ng mga manunuod ‘yung effort ng mga nagtatrabaho sa likod ng The Lost Recipe.”

And due to insistent public demand, mapapanuod na rin ang full episodes ng first three nights ng The Lost Recipe online! Pumunta lang sa gmanetwork.com at i-click ang “Full Episodes” tab at hanapin ang “The Lost Recipe” para mapanood ang pinakabagong timpla ng Pinoy drama. Siyempre, huwag pa ring kalimutang tutukan ang fresh episodes ng The Lost Recipe, Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m., sa GMA News TV.  

Congratulations sa The Lost Recipe!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Game of the Gens’ studio, ipinasilip na

John Rendez, isang superhero sa puso sa bagong single na ‘Not Superman’