in

Barbie Forteza, tinawag na “safe, healthy, at masaya” ang set ng ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’

Challenging man at nakakapanibago ang naging lock-in taping ng cast ng ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday,’ laking pasasalamat pa rin daw ng Primetime Princess na si Barbie Forteza na naging maayos ito at natapos ng walang aberya.

Kuwento niya, inalagaan talaga sila ng husto ng management at aminado siyang mas napalapit ang loob niya sa co-stars niya dahil dito, “Lahat kami nakauwi ng safe and healthy. And ang saya rin kasi kahit ang dami pang restrictions sa set, nagawa naman namin ng maayos. ‘Yung bonding nandoon pa rin naman kahit na socially distanced kami sa isa’t isa. Nakakapag-chikahan pa rin naman kahit papaano. Masayang-masaya ‘yung experience kasi na-miss namin magkita-kita lahat kasi bago mag-pandemic halos araw-araw magkakasama kami. Ang daming chikahan.”

Dapat daw abangan ng viewers ang pagpapatuloy ng istorya ng kanilang mga karakter sa serye. Magiging mas kapana-panabik din daw ang mga eksena lalo na’t tumitindi ang love triangle sa pagitan nina Ginalyn (Barbie), Caitlyn (Kate Valdez), at Cocoy (Migo Adecer).

Subaybayan ang ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ sa GMA Telebabad, Lunes hanggang Biyernes, pagtapos ng 24 Oras. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Richard Yap, makaka-bonding ng Legaspi family sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’

Gabbi Garcia, may sweet birthday greeting para kay Khalil Ramos